Songs During Mass (lyrics)

WALANG HANGGANG PASASALAMAT

Salamat sa iyo aking Ama

Salamat sa iyong mga likha

Salamat sa liwanag ng araw at buwan

Salamat sa iyo, O Diyos.

Salamat sa bugtong mong anak

Salamat sa iyong pagliligtas

Salamat sa buhay na walang hanggan

Salamat, salamat sa iyo.

Chorus:

Walang hanggang pasasalamat

Ang sa iyo’y aming sasambitin

Maging sa huling sandali ng aming buhay

Pasasalamat sa iyo’y walang hanggan.

Salamat sa buhay kong ito

Salamat at ako’y iyong binago

Salamat sa walang hanggang pag-ibig mo

Salamat sa iyo, O Diyos.

Salamat sa mga magulang ko

Salamat sa mga kapatid ko

Salamat sa lahat ng kaibigan ko

Salamat, salamat sa iyo.

(repeat Chorus)

———————————————————-

HUWAG KANG MANGAMBA

KORO:

Huwag kang mangamba, ‘di ka nag-iisa

Sasamahan kita, saan man magpunta

Ika’y mahalaga sa ‘King mga mata

Minamahal kita, minamahal kita

Tinawag kita sa ‘yong pangalan

Ikaw ay Akin magpakailanman

Ako ang Panginoon mo at Diyos

Tapagligtas mo at Tagatubos (KORO)

Sa tubig kita’y sasagipin

Sa apoy ililigtas man din

Ako ang Panginoon mo at Diyos

Tapagligtas mo at Tagatubos (KORO)

———————————————————-

 

HESUS NG AKING BUHAY

by Arnel Aquino, SJ

 

Sikat ng umaga

Buhos ng ulan

Simoy ng dapithapon

Sinag ng buwan

Batis na malinaw

Dagat na bughaw

Gayon ang Panginoon kong

Hesus ng aking buhay

KORO:

Saan man ako bumaling

Ika’y naroon

Tumalikod man sa ‘yo

Dakilang pag-ibig mo

Sa aki’y tatawag at magpapaalalang

Ako’y iyong iniibig

At siyang itatapat sa puso

Tinig ng kaibigan

Oyayi ng ina

Pag-asa ng ulila

Bisig ng dukha

Ilaw ng may takot

Ginhawa ng aba

Gayon ang Panginoon kong

Hesus ng aking buhay. (KORO)

…At siyang itatapat sa puso.

———————————————————-

UMASA KA SA DIYOS

by Fr. GBoi Samonte

(*) Refrain:

Umasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin

At manahan kang ligtas sa lupain.

Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan

At pangarap mo ay makakamtan.

1. Ang iyong sarili’y sa Diyos mo ilagak,

Pag nagtiwala ka’y tutulungang ganap;

Ang kabutihan mo ay magliliwanag,

Katulad ng araw kung tanghaling tapat. (*)

2. Sa harap ng Diyos ay pumanatag ka,

Maging matiyagang maghintay sa kanya;

H’wag mong kaiingitan ang gumiginhawa

Sa likong paraan, umunlad man sila.(*)

…At pangarap mo ay makakamtan.

———————————————————-

KRISTO

Ikaw ang lagi kong kausap

Ikaw ang laging tinatawag

Gabay ka ng bawa’t pangarap

Lakas ng bawa’t pagsisikap

Ikaw ang tunay na kaibigan

Ginto ang puso’t kalooban

Nguni’t hindi lahat ay may alam

Na Kristo ang iyong pangalan

KORO:

Kristo, Kristo, bakit minsan ka lang nakikilala

Kapag nakadama ng dusa’t pangamba?

Tinatawagan ka sana’y maawa ka

Kristo, Kristo, kulang pa ba ang pag-ibig na dulot mo?

Bakit ba ang mundo ngayo’y gulong-gulo?

Anong dapat gawin? Kami’y tulungan mo.

———————————————————-

O HESUS HILUMIN MO

O Hesus, hilumin Mo

Aking sugatang puso

Nang aking mahango

Kapwa kong kasimbigo

Hapis at pait Iyong patamisin

At hagkan ang sakit

Nang magningas ang rikit (KORO)

Aking sugatang diwa’t katawan

Ay gawing daan

Ng ‘Yong kaligtasan (KORO)

———————————————————-

AWIT NG PAGHAHANGAD

O Diyos, Ikaw ang laging hanap

Loob ko’y Ikaw ang tanging hangad

Nauuhaw akong parang tigang na lupa

Sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga

Ika’y pagmamasdan sa dakong banal

Nang makita ko ang ‘Yong pagkarangal

Dadalangin akong nakataas aking kamay

Magagalak na aawit ng papuring iaalay

KORO:

Gunita ko’y Ikaw habang nahihimlay

Pagkat ang tulong Mo sa tuwina’y taglay

Sa lilim ng Iyong mga pakpak

Umaawit akong buong galak

Aking kaluluwa’y kumakapit sa ‘Yo

Kaligtasa’y tiyak kung hawak Mo ako

Magdiriwang ang hari, ang Diyos, S’yang dahilan

Ang sa Iyo ay nangako, galak yaong makamtan (KORO)

CODA:

Umaawit, umaawit

Umaawit akong buong galak.

———————————————————-

DIYOS AY PAG-IBIG

Pag-ibig ang siyang pumukaw

Sa ating puso’t kaluluwa

Ang siyang nagdulot sa ating buhay

Ng gintong aral at pag-asa

Pag-ibig ang siyang buklod natin

Di mapapawi kailan pa man

Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang

Kahit na tayo’y magkawalay

 

KORO:

Pagka’t ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig

Magmahalan tayo’t magtulungan

At kung tayo’y bigo, ay h’wag limutin

Na may Diyos tayong nagmamahal

Sikapin sa ating pagsuyo

Ating ikalat sa buong mundo

Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop

———————————————————-

“Poong Jesus Nazareno”

Poong Jesus Nazareno naming mahal

Ang buhay mo sa amin ay  inialay

Sa banal na krus dulot mo’y  dakilang tagumpay

Wagas mong pagibig sa  amin ay yong ibinigay

Salamat po sa  buhay na walang hanggan

Salamat po ikaw  ang aming sandigan

Salamat po niligtas  mo kami sa mga kasalanan

Poong Jesus  Nazareno naming mahal.

Ito ang dalangin  namin at kahilingan

Na kami po’y ilayo  ninyo sa anumang kapahamakan
At bigyang lakas makaahon sa kahirapan

Ngayon  bukas at magpasawalang hanggan
Ika’y lagi naming papupurihan
Ika’y lagi naming pasasalamatan

POONG JESUS NAZARENO naming mahal.

========================================

“Lumang Krus”

Sa malayong pook, sa malayong bundok
Naroon ang isang lumang krus
Na pinagpakuan sa Anak ng Diyos
Sa sala ng tao’y tumubos

Koro 1:
Kung kaya’t sa kanya’y iniaalay
Ang lahat sa lumang krus na yan
Handog ko ay ayuno’t dasal
Na ang hirap niya’y maparam

Kung kaya’t natigmak ng dugo at luha
Si Jesus na mahal ng madla
Nagtiis sa hirap, namatay sa dusa
Upang sala nati’y mawala

Koro 2:
Nananalig kami balang araw
Na kami’y kanyang sasamahan
Sa langit ng ligaya’t galak
Tahanan ng banal at tapat

========================================

“May Magagawa”

Alam kong may magagawa ang Diyos
Alam kong may magagawa ang Diyos
Kung ako’y magtatapat, sa kanya’y maglilingkod
Alam kong may magagawa ang Diyos

Alam kong diringgin ng Diyos ang samo ko
Alam kong diringgin ng Diyos ang samo ko
Kung ako’y magtatapat, sa kanya’y maglilingkod
Alam kong diringgin ng Diyos ang samo ko

Alleluia Alleluia
Siya ay muling babalik sa atin
Alleluia Alleluia
Upang tayo ay kunin

Mayroong magandang mangyayari sa ‘yo
Kung lalapit ka kay Hesus
Mayroong magandang mangyayari sa ‘yo
Kung lalapit kay Hesus

Kung lalapit kay Hesus.

========================================

“Gabay ng Buhay”

Ang buhay ko sa ‘yo lang Panginoon
Habang ako’y nabubuhay
Ang pag-ibig mo’y aking patnubay
Ang salita mo’y gabay ng buhay

Dalangin ko pakinggan mo Panginoon
Kahapon ko na madilim baguhin mo
Iibigin kita, mamahalin, paglilingkuran
Habang ako ay may hininga

Buhay ko sa ‘yo lang Panginoon
Habang ako’y nabubuhay
Ang pag-ibig mo’y aking patnubay
Ang salita mo’y gabay ng buhay

Dalangin ko pakinggan mo Panginoon
Kahapon ko na madilim baguhin mo
Iibigin kita, mamahalin, paglilingkuran
Habang ako ay may hininga

Dalangin ko pakinggan mo Panginoon
Kahapon ko na madilim baguhin mo
Iibigin kita, mamahalin, paglilingkuran
Habang ako ay may hininga

Habang ako ay may hininga

========================================

“Ang Alay Ko”

My life is very simple
My dreams are few and little
I don’t have much to offer
Except the pains I bear

My suffering is my offering
I’m offering all my sufferings
And if ever I will face more trials and more pains
Then I offer them gladly again

I know that there’s a reason
I know I have a mission
Someday I’ll see the vision
For now, I must be strong.

My suffering is my offering
I’m offering all my sufferings
And if ever I will face more trials and more pains
Then I offer them gladly again

Sometimes I doubt and question
I need some consolation
But if this is my mission
I must be brave and strong

My suffering is my offering
I’m offering all my sufferings
And if ever I will face more trials and more pains
Then I offer them gladly again

Ako’y may simpleng buhay
May pangarap ding tunay
Walang maiaalay
Kundi aking buhay

Ang alay ko ay ang buhay ko
Ang buhay ko ang siyang alay ko
Kung maghirap man ako sa buhay kong ito
Iaalay ko lamang sa yo

Lahat ay may dahilan
Sa buhay nating taglay
Hirap may ay danasan
Tatag ang kailangan

Ang alay ko ay ang buhay ko
Ang buhay ko ang siyang alay ko
Kung maghirap man ako sa buhay kong ito
Iaalay ko lamang sa yo

Minsan may pag-alinlangan
Sa ‘king taglay na buhay
Sana’y iyong pakinggan
Diyos ko huwag akong iwan

Ang alay ko ay ang buhay ko
Ang buhay ko ang siyang alay ko
Kung maghirap man ako sa buhay kong ito
Iaalay ko lamang sa yo

Iaalay ko lamang sa yo

========================================

“Tagumpay (Mapagkumbaba)”

Ang buhay ay isang pagsubok lang
Ang swerte minsa’y lumalayo
Tagumpay ang mithi ng bawat isa
Ngunit bakit sa kamay ay kay ilap

Subalit ‘pag iyong mahawakan
Ligaya’s tila walang hanggan
Nililimot pati ang Diyos na may lalang
Pinagmulan ay hindi na alam

Kung ano’ng taas ng paglipad
Ay siyang lakas kapag lumagapak
Ang lahat ng bagay sa mundo’y magwawakas
Tagumpay ay tiyak ding lilipas

Kaya’t ikaw ay magpakumbaba
Unawa sa kapwa’y dagdagan
Pagka’t ito ang tanda ng kadakilaan
Tagumpay ay magiging lubusan

Kung ano’ng taas ng paglipad
Ay siyang lakas kapag lumagapak
Ang lahat ng bagay sa mundo’y magwawakas
Tagumpay ay tiyak ding lilipas

Kaya’t ikaw ay magpakumbaba
Unawa sa kapwa’y dagdadagan
Pagka’t ito ang tanda ng kadakilaan
Tagumpay ay magiging lubusan

Pagka’t ito ang tanda ng kadakilaan
Tagumpay ay magiging lubusan
Ito ang tunay na tagumpay.

========================================

“Panginoon Patawad Po”

Panginoon patawad po
Panginoon patawad po
Panginoon patawad po
Sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa Iyo
Kristo patawad po
Kristo patawad po
Kristo patawad po
Sa lahat lahat ng aking pagkukulang sa Iyo

Sa gawain kong mapagpanira
Sa gawain kong mapagbintang
Sa gawain kong mapagkutya
Mapanghusga sa ‘king kapwa
Sa gawain kong makasarili
Sa gawain kong mapagkunwari
Panginoon, Panginoon patawad po

Panginoon patawad po
Panginoon patawad po
Panginoon patawad po
Sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa Iyo
Kristo patawad po
Kristo patawad po
Kristo patawad po
Sa lahat lahat ng aking pagkukulang sa Iyo

Sa puso kong di marunong magmahal
Sa puso kong di marunong magpatawad
Sa puso kong wala nang inisip
Kundi pansariling kapakanan lamang
Sa puso kong di marunong magbigay
Sa puso kong di marunong maawa
Kristo, Kristo patawad po

Panginoon patawad po
Panginoon patawad po
Panginoon patawad po
Sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa Iyo
Kristo patawad po
Kristo patawad po
Kristo patawad po
Sa lahat lahat ng aking pagkukulang sa Iyo

Sa gawain kong mapagpanira
Sa gawain kong mapagbintang
Sa gawain kong mapagkutya
Mapanghusga sa ‘king kapwa
Sa gawain kong makasarili
Sa gawain kong mapagkunwari
Panginoon, Panginoon patawad po.

Sa puso kong di marunong magmahal
Sa puso kong di marunong magpatawad
Sa puso kong wala nang inisip
Kundi pansariling kapakanan lamang
Sa puso kong di marunong magbigay
Sa puso kong di marunong maawa
Kristo, Kristo patawad po.

=======================================

Sa bawa’t pusong uhaw sa pagsuyo (KORO)

Leave a comment